Thursday, July 2, 2015

Philippine Navy Requirements, Qualifications, Procedures and Training FAQs

Want to join the Philippine Navy? Catch the mobile recruitment in your location for the entrance examination schedules and recruitment procedures.

Also prepare all the necessary initial requirements such as TOR, NSO Birth Certificate, Diploma, NBI clearance and 2X2 ID picture with white background.


Qualifications check list are as follows:

FOR NAVAL OFFICERS CANDIDATE COURSE (NOCC)

- Must be a natural born Filipino citizen and of good moral character
- Must be between 21-28 years old
- Single
- Graduate of a 4year baccalaureate degree preferably technical courses
- Height of at least 5 feet for both males and females
- Must not have any pending civil and criminal case
- Physically and mentally fit for training
- Must pass the AFPATB, IQ and SWE exams

FOR BASIC SEAMAN COURSE (BSC)

- Must be a natural born Filipino citizen and of good moral character
- Must be between 18-23 years old
- Single
- Holder of at least 72 units or graduate of a 2-year vocational course preferably technical courses
- Height of at least 5 feet for both males and females
- Must not have any pending civil and criminal case
- Physically and mentally fit for training
- Must pass the AFPATB, IQ and SWE exams

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ON PN RECRUITMENT SYSTEM:

(1) Kelan po naibibigay ang “age at height waiver?”
Ang waiver ay naibibigay lamang kung na-disqualify ang aplikante sa kanyang edad at tankad. Ito ay maaaring maibigay sa isang pambihirang pagkakataon na magkaroon ng malaking kakulangan sa numero ng aplikante na gustong makapasok sa Navy.

(2) Sino po ang mabibigyan ng waiver?
Ayon sa pinaiiral na policy, ang mabibigyan ng waiver ay yung sumusunod: consistent scholar; nasa itaas na 20% bahagi ng kanilang klase sa kolehiyo o vocational training; may kakaiba at mahalagang karanasan o kasanayan na kinakailangan ng AFP; may technical na background, at; may edukasyon na natapos na mas mataas kesa sa hinihingi ng posisyon ikalalagyan nya.

(3) May expiration po ba ang age waiver?

Ito ay may bisa sa loob lamang ng isang taon. Kapag nabigyan ng waiver ang isang aplikante, hindi ito nangangahulugan na hindi na sya dadaan sa proseso mula sa written exams, Deliberation at Selection Boards hanggang sa medical screening. Siya ay makikiapag-compete pa rin sa mga regular na aplikante na pasok sa qualification ng age at height. Ang pag-grant ng age waiver kung may pagkakataon na kulang ang aplikanteng mapagpilian.

(4) Kapag ako po ay bumagsak sa unang written exam na AFP Aptitude Test Battery (AFPATB), pwede po ba ako mag-retake sa petsa na mas maiksi kesa sa naitakdang grace period?

Hindi. Ang grace period ay itinalaga para maiwasan ang familiarity sa mga tanong na maaring magdulot ng undue advantage sa mga ibang aplikante. Kapag maisalang ang papel mo sa computer, at mag-appear ang pangalan mo sa loob ng grace period na hindi ka dapat mag-retake, ikaw ay maba-black list sa lahat ng Major Services ng AFP.

(5) Kapag bumagsak po ba ako sa Navy sa AFPATB, pwede po ba ako uli ako kumuha ng AFPATB sa Army o Air Force makatapos ng isang linggo?

Hindi. Ikaw ay maba-blacklist sapagkat lilitaw ang pangalan mo sa kabuuang database ng AFP na within grace period mo kinuha ang AFPATB.

(6) Bakit binibigyan ng preference ang may mga technical na background sa pag-re-recruit?

Maliban sa dahilan na technical na organisasyon ang Navy, ang nakatataas na policy ng Department of National Defense (DND) ang siyang nagsasabi na bigyan ng preference ang mga aplikanteng may teknikal na kasanayan.

(7) Anu-ano po ba ang kategorya ng aplikante?

May apat na kategorya. Ang pre-qualified applicants ay ang mga na-check na ang height, diploma at transcript, NBI at nai-schedule na for written exams. Ang qualified applicants ay silang mga nakapasa sa lahat ng written exams. Ang successful applicants ay yung mga naka-comply na lahat ng 17 local clearances nila. Ang selected applicants ay yung mga kumpirmadong cleared na sa medical screening at na-select na ng Board at nabigyan na ng kaukulang military orders.

(8) Kapag na-accomplish na po ba ang lahat ng requirements (successful applicant) ay nangangahulugan na matatanggap na ako?

Hindi pa. Hanggat hindi ka nabibigyan ng pormal na orders na nangangahulugan na ikaw ay napili para mag-train sa N avy ay hindi ka pa mapapbilang sa selected applicants.

( 9) Papano po iyan “successful applicant” na ako at di pa rin ako nase-select ng Board for convening, may pag-asa po ba ang application ko?

Hanggat hindi ka nadi-disqualify sa iyong edad ay nasa active file pa rin for deliberation ang application folder mo. Kapag may mga nag-expire na sa mga papel mo ay mangyaring i-revalidate lang ito sa Recruit Testing Office. Pero sa dahilan na dalawa o mahigit na pre-entry courses na ang nag-convene at di ka pa rin nase-select, ay mainam na maghanap na muna ng ibang trabaho upang sa gayon ay matulungan maitaguyod ang sarili.

(10) Paano ko po ba maiaalis ang pangamba na ako ay maaaring di napasama sa Board?

Wala ka dapat ipangamba. Dahil ang selection process ay strictly quantitative. Ito ay naaayon sa merit ng isang aplikante. Para maialis ang pangamba, magtiwala lang sa selection process. At kung ikaw ay mapili ay makakatanggap ka ng tawag o text. Ang mga pangalan din ng mga selected applicants ay maii-post din sa Navy website.

(11) Ilang Board po ba ang dadaanan ng aplikante?

Dalawa. Deliberation Board at Selection Board. Ang Deliberation Board ang kumakatawan sa pag-grupo ng mga aplikante ayon sa skills na meron sila at itutugma sa kills na kailangan ng Navy sa kasalukuyang recruitment cycle. Sa kaso ng mga NOCC, ang may mga posibilidad na mapili para punan ang mga kailangang background na kurso ay pinatatawag para sa interview. Ang Selection Board ang siyang pipili sa mga aplikante na na-deliberate na habang sinusunod nila ang pamantayan ng quantitative process upang maiwasan ang pagpili na walang basehan.

(12) Sa mga NOCC, paano malaman kung kami ay ipapatawag for Board interview?

Ipapatawag ang aplikante for interview kung sakaling lumabas sa initial na score process at Navy skill qualification na siya ay may mataas na posibilidad na matanggap. Ang mga ganitong aplikante ay ipapatawag ng Navy upang humarap sa Board sa oras, petsa at lugar na sasabihin ng Navy Personnel Management Center (NPMC) para sa interview.

(13) Maliban po ba sa training skills at educational course, ano pa po ba ang iba pang mga sukatan ang tinitingnan ng Board?

Ang computational matrix ay binubuo ng AFPATB, IQ, Special Written Exam, Board Interview, Neuro-psychiatric performance, Medical Result, Physical Fitness Test, Professional Development, Eligibility, Honors, Leadership Awards, at marami pang iba. At may paraan na i-counter check ang authenticity ng lahat ng ito sa pamamagitan ng malawakang background investigation.

(14) Paano po namin malalaman kung kami ay na-select ng Board at mapasama sa convening mg pre-entry course?

Kapag mai-post na sa website ang pangalan ng mga napiling aplikante. Ito ay nangangahulugan na may military orders na na-aprubahan. Higit pa dyan ay makakatanggap kayo ng text o tawag mula sa NPMC.

(15) Ilang beses po ba ako dapat mai-sama sa Board Deliberation bago ko masabi na disqualified na ako?

Walang nasasabi ang policy sa ganyan. Pero bilang isang magandang advice, mas maganda na sumubok din maghanap muna ng ibang trabaho. At kung talagang gusto mo na magsundalo, kami ay malulugod kung ituloy mo sa Navy ang career mo. Kami rin ay magiging masaya na para sa iyo kung ikaw naman ay magpasya na manatili na lang sa kasalukuyang trabaho na nakita mo.

(16) Ano po ang mainam na gawin habang naghihintay ako sa status ng application ko?

Isang magandang advice ay ang maghanap ng ibang trabaho, temporary man o hindi, upang hindi masayang ang panahon sa paghihintay. Sa ganitong paraan, nasa tinatawag ka na win-win situation. Maraming factor kasi ang kailangan i-consider, tulad ng readiness ng training institution na tumanggap ng sususnod na batch para mag-train kung sakaling natapos na ang naunang batch.

(17) Ako po ba, bilang aplikante, na galing pa ng probinsya ay maaaring manuluyan bilang striker sa mga opisina, quarters at concessionaire?

Ang terminong striker ay ginagamit lamang sa mga lower rank na sundalo at hindi sa civilian applicant. Mariin naming ipinagbabawal ang manilbihan ang aplikante sa anumang opisina, quarters, o concessionaire sa lahat ng kampo, ito man ay may anumang uri ng sweldo o wala. Ito ay hindi magandang practice na maaaring maka-apekto sa mentalidad ng isang aplikante na nag-nanais magsundalo. Ang pagsusundalo ay isang may dignidad na profession at hindi dapat ibaba ang expectation ng aplikante sa pamamagitan ng pagiging “errand boy.”

(18) Pwede po ba magpalipat ng application mula sa NOCC papuntang BSC?

Walang pumipigil sa pag-lipat ng application mula NOCC papuntang BSC. Maniguro lamang na hindi pa disqualify sa edad. Sa ganitong desisyon, isasalng pa rin sa competition ang aplikante.

(19) Pwede po bang magpalipat mula sa BSC papuntang NOCC?

Walang pumipigil sa ganitong desisyon. Sa ganitong pagkakataon, ang aplikante ay muling mag-eexam ng IQ at kukuha rin ng Special Written Exam (SWE) na ibinibigay sa mga officer-candidates. Isasalang din sya sa kakaibang NP interview na naaayon para sa officers.
20.Pwede po bang magpalipat ng application mula sa Marines papuntang Sailors, and vice-versa?
Walang pumipigil sa ganitong desisyon. Ngunit isasalang pa rin sa mahigpit na competisyon ang mga aplikante.

(21) Bakit po kaunti ang kinukuha na babae na aplikante?

Ang pag-recruit ng babae sa Navy ay dumedepende sa pangangailangan ng organisasyon. Maliban sa policy, marami pang mga administratibong paghahanda upang lubusang palakihin ang quota sa babae, tulad ng toilet sa mga barko o ang pag-aaral na magsisiguro na hindi mailalagay sa panganib ang kalusugan ng babae kapag mai-expose sila sa paghawak ng mga hazardous and radio-active materials.

Philippine Navy Recruitment video:


Philippine Navy Procurement and Evaluation Branch:

Naval Station Jose Francisco
Fort Bonifacio, Taguig City
Phone Numbers: +632-774-7083 and +632-774-7084
Mobile Number: +63921-783-9871
Email: jointhenavy@navy.mil.ph

Source : Philippine Navy